1. |
Umaapaw
03:42
|
|||
UMAAPAW
E. Aguila
Awit
Masaya ang mga tenga
Sa aking alaala ito nagsimula
Ilaw
Ika'y pinakilala
Mata ko ay nasilaw sa iyong ganda
Antok at pagod tila naglaho
Pagkagising, panaginip ang dumalaw
Damdamin ko'y umaapaw
Labi
Halik na ninanais
Sa dulo ng aking dila salitang matatamis
Yakap
Higpit ng mga braso
Sa'yong pagkadiin ay
Dumadaloy ang dugo
Halo-halo sa isipan ko
Init, tinig at tamis sa araw-araw
Damdamin ko'y umaapaw
Handang sabihin at ipakita
Wag pigilin ang pagbugso
Pagkagising, panaginip
Wag pigilin ang damdamin
Puso
Hayaang paganahin
Sa muling pagkikita
Mayroong dadalhing
Talumpati
Sa harap ng isang tao
Walang ibang kailangan
Lahat kabisado
Buo ang loob ko sa iyo
Ganito ako kasigurado
Init, tinig at tamis
Awit, yakap at halik
Ikaw ang tubig na papawi sa'king uhaw
Pag-ibig ko'y umaapaw
|
Ang Bandang Shirley Manila, Philippines
Very friendly bunch of ordinary guys and gals who like eating good food, and making music!
Streaming and Download help
If you like Ang Bandang Shirley, you may also like:
Bandcamp Daily your guide to the world of Bandcamp