Themesongs

by Ang Bandang Shirley

supported by
Renato Paolo Aguila
Renato Paolo Aguila thumbnail
Renato Paolo Aguila Some of Shirley's fan favorites are on this record, and it's good to revisit the early days of a band that enjoys a relatively small and happy following, one which I know dances to such tunes as "Sa Madaling Salita." Favorite track: Patintero / Habulan / Larong Kalye.
/
  • Streaming + Download

    Includes unlimited streaming via the free Bandcamp app, plus high-quality download in MP3, FLAC and more.

      $7 USD  or more

     

1.
2.
3.
4.
02:55
5.
6.
7.
8.
9.
10.
03:13
11.
04:09

credits

released October 28, 2008

tags

license

all rights reserved

about

Ang Bandang Shirley Manila, Philippines

Very friendly bunch of ordinary guys and gals who like eating good food, and making music!

contact / help

Contact Ang Bandang Shirley

Streaming and
Download help

Track Name: Kagabi nanaginip si Morrissey na may nagmamahal sa kanya
pikit matang
nag-aabang
sa pagdating
ng nakahuhumaling
na panaginip
kung saan
lahat ay tama
pagka't ika'y kapiling

ngunit sa aking pag-gisng
ang araw ay sisikat din
at ako'y mawawalan
ng mapapapaniwalaang

kathang isip
na panaginip
minsanang ligaya
mawawalang parang bula
sinong niloloko
nitong pangarap kong
wala namang laman
at bakit ba ganyan

kasi sa aking pag-gising
ang araw ay sisikat din
at ako'y mawawalan
ng mapapapaniwalaang
ikaw
Track Name: Masamang Damo
kay tagal mo nang hinintay
unti-unting nalulustay
parang halamang lanta

hindi nadiligan
ang yong pinagtamnan
kinain pa ng pesteng

akala mong kaibigan
mong hindi pala
ninakawan ka pa
at iniwang patay

inubos na pasensya mo
kinuha rin pitaka mo
hindi mo namalayan na siya'y

nandiyan sa yong tabi
at siya'y ngumingisi
nakadale na naman ang palos

hindi mo siya mahuli
siya'y tuwang-tuwa
masamang damo
ay mamamatay

bakit mo pa binigay
ang yong tiwala sa kanya
ang nais na lang
siya ay mawala
Track Name: Patintero / Habulan / Larong Kalye
patintero
sa tapat ng bahay nyo
tayo naglalaro
kung saan
nahahati ang daan
ng mga linyang nagtuturo
na kahit laro
ay mayroon ding hangganan
patintero
sa ilalim ng araw
tayo naglalaro
kung saan
tayo ay sinusundan
nitong aninong magsasabi
na bawat galaw
ay may kahulugan

nais kong mahagip
ng damdamin na bumubulusok
liliparin
nitong natatangi nating pagsuyo
habulin ang matulin
na tibok ng ating puso
at ang maiiwang tanong
nalang ay kung papano

tao po
yayayain sana
kitang maglaro
kahit sandali lang
kung gusto mo
pwede tayong mag-piko
pamato mo ang aking puso
at wag mong aapakan to

kasi kung ika'y aking mahuli
di ko kagad masasabi
kung ano ang una kong gagawin sayo
at kung ika'y maaabutan
hinding-hindi ka bibitawan
kasi kanina pa tayo
naghahabulan
naghahabulan
naghahabulan


halika na
wala nang tao sa kalsada
tayo'y maglaro na muna
kahit sandali lang
magtago ka
ako na muna ang taya
di ako titigil
hangga't di kita nakikita

kasi kung ika'y aking mahuli
di ko kagad masasabi
kung ano ang una kong gagawin sayo
at kung ika'y maaabutan
hinding-hindi ka bibitawan
kasi kanina pa tayo
naghahabulan
naghahabulan
naghahabulan

itong pag-ibig ay larong kalye
Track Name: Theme Song
"maari ba kitang makasayaw?"
o di kaya kahit
"upo lang muna tayo?"
habang inaantay
yung ating
magiging theme song

ngayong gabi sa akin na nakasalalay
ang lahat ng mga bagay
at di mo na makikita
kahit

bakas ng pangangamba
sa aking mga mata
habang lumalapit ako sayo
para maitanong
kung

"maari ba kitang makasayaw?"
o di kaya kahit
"upo lang muna tayo?"
habang inaantay
yung ating
magiging theme song

mabuti nang laging handa
at kung sakali nga
na darating ang pagkakataon
ay susulitin ko ito

kasi naman kahit minsan
nagtutugma tugma lahat
pati yung tatay mo
pinapayagan ka

"maari ba kitang makasayaw?"
o di kaya kahit
"upo lang muna tayo?"
habang inaantay
yung ating
magiging theme song
Track Name: Together Forevers
wag kang matakot sa
maaring mangyayari
ngayong gabi
habang tayo ay magkapiling
pagkat walang multo
walang ligaw na balang lilipad dito
sa tuwinang magkasama
ay ligtas tayo kaya’t

sasamahan kita basta't sasamahan mo ako (together)
sasamahan kita basta't sasamahan mo ako (forever)
sasamahan kita basta't sasamahan mo ako (together)
sasamahan kita basta't sasamahan mo ako (forever)

wag nang mangangamba
tungkol sa mga bagay na
di mo na dapat inaalala
pagkat walang multo
walang ligaw na balang lilipad dito
sa tuwinang magkasama
ay ligtas tayo kaya’t

sasamahan kita basta't sasamahan mo ako (together)
sasamahan kita basta't sasamahan mo ako (forever)
sasamahan kita basta't sasamahan mo ako (together)
sasamahan kita basta't sasamahan mo ako (forever)
Track Name: Sasamahan ka pa rin
alam kung saan ka pupunta
alam mo rin walang magagawa
pero itutuloy pa rin
kahit hindi alam ang gagawin

pero kahit diyahe
sasamahan ka pa rin
kahit saan pa dadalhin
at pag naroon na
iniwan na pala
bigla nalang mawawala

alam kong puso mo'y tanga
at hindi ako naiiba
gusto ko lamang sampalin
ang iyong mukhang malayo ang tingin

pero kahit diyahe
sasamahan ka pa rin
kahit saan pa dadalhin
at pag naroon na
iniwan na pala
may ibang kikitain

kanina pa walang kasama
iiyak nalang muna
at pagdating mo'y ngingiting parang tangang merong
luha

pero kahit diyahe
sasamahan ka pa rin
kahit saan pa dadalhin
at pag naroon na
iniwan na pala
bigla nalang mawawala
bigla nalang mawawala
may ibang kikitain
Track Name: Sa Madaling Salita
ikaw ang puso ko
dahil sayo
dumadaloy
ang dugo

ikaw ang puso ko
dahil sayo
dumadaloy
ang dugo

sa madaling salita
tuwing ika'y nawawala
sa madaling salita
ako'y nawawala
tuwing ika'y nawawala
sa madaling salita

ikaw ang puso ko
dahil sayo
dumadanak
ng dugo

ikaw ang puso ko
dahil sayo
dumadanak
ng dugo

sa madaling salita
tuwing ika'y nawawala
sa madaling salita
ako'y nawawala
tuwing ika'y nawawala
sa madaling salita

at sa saliw ng isa't-isa
tayong dalawa'y dakila
at sa saliw ng isa't-isa
tayong dalawa'y alila
at sa saliw ng isa't-isa
tayong dalawa'y dakila
at sa saliw ng isa't-isa
tayong dalawa'y alila
Track Name: Di ko ma-take
kumupit ka ng isang saglit
luwagan iyong inip
sumabay ka sa awit

gumupit ka mula sa yong papel
at kulayan ng pastel
ang iyong bangkang papel

at palutangin sa may kanal
sabay buga ng hiniga
halika't sundan natin
kung saan dalin ng tubig
hinigop na ng imburnal

sinumpit ka sa iyong tainga
tumagos sa yong mata
at ika'y napaluha

sumigaw, sumayaw at sumawsaw
pahingi pa ng lugaw
at isang baldeng sabaw

higupin ang kumukulo
sabay tulo ng yong sipon
papunta sa yong tasa
kung saan ngayo'y nagsama
ang sabaw at yong sipon

di ko matake
di ko matake

kumupit ka ng isang saglit
luwagan iyong inip
sumabay ka sa awit

sinumpit ka sa iyong tainga
tumagos sa yong mata
at ika'y napaluha

ngayon ako'y natulala
di makapagsalita
paraparapara.....
Track Name: Ang pag-ibig alinsunod sa karanasan ng isang pangkaraniwang jeepney driver AKA Tsuper Duper
kailangan ng konting pasensya (woah woah)
matuto ka na mag-hintay (hey hey)
hindi ppwede na sugod lang ng sugod
kasi walang makasasakay

barya lang po sa umaga
ang 'yong pag-ibig ay kalsada
mapapasakin din ang puso mo
sigurado kasi

basta driver sweet lover
basta driver sweet lover
basta driver sweet lover yeah!

kailangan medyo maligalig (woah woah)
galaw galaw baka ma-stroke (hey hey)
hindi ppwede na wala kang sense of humor
kasi ang romansa minsan parang isang joke

barya lang po sa umaga
ang 'yong pag-ibig ay kalsada
mapapasakin din ang puso mo
sigurado kasi

basta driver sweet lover
basta driver sweet lover
basta driver (guitar solo na!)

ang 'yong pag-ibig ay kalsada
at ako ang hari ng daan
mapapasakin din ang puso mo
sigurado kasi

basta driver sweet lover
basta driver sweet lover
basta driver sweet lover yeah!
Track Name: Xmas lights
tuwing mga gabing
nagniningning
itong sinulid ng bumbilyang
nakasabit na sa hangin

ikaw ang aking naiisip

habang nalalagas
itong disyembreng walang wakas
aking mga mata'y nahahalina
ng liwanag at

ikaw ang aking naiisip

sanay ikaw nalang
itong regalong bubuksan

unti unting napupundi
sa bawat sandali

kumikislap kumukutitap nagniningning bumubusilak
Track Name: Bato
akit ang bigat bigat
nitong ating
pasan-pasan
parang nung binubuhat
natin dati
ang gaan-gaan

may nag-tirik ng pader
kung saan tayo
dumadaan
tila nawawala
tila tayo
ay nabakuran

may hinihintay lang akong mangyari
tapos sasabog ako
at unti-unti nang madudurog
ang puso kong
bato

bakit ang bigat bigat
parang di mabubuhat
bakit ang bigat bigat
parang di mabubuhat
ang bato